any

Lolo, Nakatulog Dahil sa Pagod sa Pagtitinda ng Saging



Mabilis na kumalat ang larawan ng isang lolo na nagtitinda ng saging sa bangketa, makikitang nag-iisa lamang siya at mahimbing na nakatulog dulot siguro ng pagod sa pagtitinda.

Ibinahagi ito ng isang netizen na nagngangalang Jeff Garcia, at umani ito ng iba’t ibang reaksyon , may mga gustong mag-abot ng tulong para sa kaniya.Sa ganyang edad kasi, dapat ay nasa bahay na lamang sila at nagpapahinga dahil hindi na gaanong malakas ang kanilang katawan at kulang sa resistensya, di naman nalaman kung may anak pa ba itong si lolo o ibang kapamilya.


Sa ganyang edad kasi, dapat ay nasa bahay na lamang sila at nagpapahinga dahil hindi na gaanong malakas ang kanilang katawan at kulang sa resistensya, di naman nalaman kung may anak pa ba itong si lolo o ibang kapamilya.

Ayon pa sa caption ni Jeff,”Nakakahiya naman dun sa iba na puro reklamo na lang. Ginawa pang rason ang kahirapan para gumawa ng mga iligal na gawain. Samantalang si tatay kahit mahina na ang katawan, nagsusumikap pa rin para mabuhay, huwag lang mamalimos. ?

Mababasa nyo rito ang kaniyang Post,

Nakakahiya naman dun sa iba na puro reklamo na lang. Ginawa pang rason ang kahirapan para gumawa ng mga iligal na gawain. Samantalang si tatay kahit mahina na ang katawan, nagsusumikap pa rin para mabuhay, huwag lang mamalimos. 👴

God bless you tatay


Totoo nga naman sapagkat isa si lolo sa mga taong nagsusumikap pa rin na maghanapbuhay upang di maging pabigat sa kanyang pamilya. Dahil sa angking kasipagan ni lolo, umani ito ng papuri habang ang ilan ay nais pang magpabatid ng tulong para sa kanya.

Mas minabuti niyang magtinda kaysa mamalimos at gumawa ng iligal para mabuhay, sana naman matulungan si lolo para naman maramdaman niya ang magandang buhay sa mga natitirang panahon niya dito sa mundo.

No comments