any

Lolo na Dalawang Araw ng Naglalakad Galing Pampanga Papuntang QC na Mangga lang ang Kinakain, Sinakay ng Doctor na Nagmalasakit



Isang Lolo ang dalawang araw ng naglalakad mula Pampanga patungong Quezon City ang nakita ng isang Doktor at pinasakay nya ito.

Isang doktor ang nagmagandang loob sa 65-anyos na lalaki matapos nya itong makitang naglalakad sa kahabaan ng NLEX o North Luzon Expressway.

Bunsod ng limitadong transportasyon ngayon sa bansa dulot ng lockdown, karamihan ay hirap sa paggalaw.


Ayon kay Sherwin Enriquez, doktor mula sa Philippine General Hospital (PGH), namataan nya ang kawawang matanda habang nagmamaneho sya papuntang Manila para kunin ang donasyon para sa kanilang fundraising campaign.

Base sa video na in-upload ng doktor, tila emosyonal ang matanda nang alukin ni Enriquez ng libreng sakay ang lalaki.

Papunta raw sya sa Cubao sa Quezon City ngunit dahil sa tigil transportasyon ay kinailangan nyang lakarin ang napakalayong syudad sa kabila ng katandaan. Paghingi ng tulong sa kanyang kapatid ang kanyang pakay sa pagluwas.


Sa video, makikita ang matanda na nagpipigil ng luha habang sinasabing “walang masakyan,”

Habang nakikipag-usap sa doktor, bakas ang paghihirap sa kasalukuyang sitwasyon sa mukha ng matanda na hawak-hawak pa ang binalatang mangga sa kanang kamay, at ang mga pinagbalatan nito sa supot sa kaliwa.

Kwento ng matanda, pumipitas sya ng mangga pag may madadaanan para lang may makain habang naglalakad.

“I decided to give him a ride and five minutes later, he was already sleeping,” saad ng doktor na nagdesisyong pasakayin ang lalaki.

Subalit pagdating sa NLEX Bocaue Toll Gate Office, nagpasya si Enrique na i-turn over na sya sa mga otoridad para mas matugunan ang kanyang mga pangangailangan, dala na rin ng mahigpit na quarantine guidelines.

Pero bago umano sila maghiwalay, ayon sa good samaritan, ay binigyan nya ito ng packs of biscuits at kaunting pera.



Ito ang kabuuang post,

On my way to Mnl and saw tatay walking along NLEX. Told me 2nd day na daw niya naglalakad. He started in Pampanga daw and headed to Mnl to ask help from his brother because he’s got nothing to eat. Nakaraos daw siya sa mga mangga na napipitas habang naglalakad. 🥺

We don’t need grand gestures to show love lalo na sa magulong mundo ntin ngayon. Kaya ‘to! 🙏🏻

No comments