Lola, Napilitang Magbenta ng Marang Kahit Pinagbabawal ang Paglabas ng Matatanda
Isang Lola ang napilitang magbenta ng marang sa gilid ng kalsada kahit ipinagbabawal ang paglabas ng mga matatanda.
Ayon kay Aling Zenaida Paglinawan, 65, taga-Purok 2, Barangay Kawit ng banyan ng Kauswagan, hindi makatutulong sa kanilang mag-asawa ang mga anak nila dahil nawalan din ng mga trabaho ang mga ito dulot ng pandemya.
Ipinagbabawal ang paglabas-labas ng mga matatanda dahil madali na sila umanong kapitan ng mga sakit, lalo na ang kumakalat ngayong C0VID-19.
Sabi pa nito, mula noong Marso hindi na siya pinapayagang sumakay ng kahit anong uri ng pampublikong sasakyan. Kaya nawalan siya ng hamapbuhay.
Noong unang pagpasok ng pandemya ay nakakayanan pa nila na makakain ng maayos dahil nagbibigay pa ng ayuda ang lokal na pamahalaan. Ngunit ng tumagal ay wala na silang natatanggap na ayuda kaya panay kamote na lang at lugaw ang kanilang kinakain.
Pinagsabihan na lang umano sya ng mga pulis na hueag na lang masyadong lalapit sa kanyang mga kustomer para maiwasan na mahawaan sya ng C0VID-19.
No comments