Lea Salonga, Nadismaya sa mga Maling Nakalagay sa Self-Learning Modules ng DepEd
Ikinagulat umano ng international singer na si Lea Salonga ang mga maling nakalagay sa self-learning modules na ipinamahagi ng Department of Education (DepEd) sa mga estudyante.
Base kasi sa nakaimprenta, may visual na “orange” at “ostritch” na inihahalimbawa ang mga salitang nagsisimula sa titik “o” pero sa halip na drawing ng ostritch ang nakalagay ay isang “kwago” o “owl” ang nakaimprenta sa mga modules ng mga mag-aaral sa primary school.
Kumalat umano sa social media ang naturang mga litrato bagay na hindi naman kinumpirma ng pamunuan ng DepEd kung sa kagawaran nanggaling ang mga learning materials.
No comments