any

Laptop na Binili sa Online, Tatlong Bato ang Laman



Nanlumo at napaiyak na lang ang isang estudyante matapos nyang matanggap ang inorder nyang laptop sa online dahil matapos niya itong buksan ay bato lang ang laman at wala ang kanyang biniling laptop.

Umorder ang estudyanteng ito sa online ng isang laptop para umano magamit nito sa Online class sa darating na pasukan.





Nang dumating ang kanyang order na laptop ay laking gulat nito na tatlong bato ang laman at agad syang nadismaya at napaiyak dahil inipon pa raw ito ng kanyang mga para magamit nya sa darating na pasukan.



Ang trabaho ng kanyang ama ay mangingisda, kaya pinaghirapan talaga nila ang pinambili sa laptop na iyon.

Ito ang kabuuang post ng GMA Public Affairs,

BINILING LAPTOP ONLINE, BATO ANG LAMAN?!


Napaiyak na lang ang estudyanteng ito nang dumating ang laptop na inorder niya online. Ang laman kasi ng package, tatlong pirasong bato raw sa halip na laptop! Pinag-ipunan pa raw ito ng kanyang mga magulang mula sa pangingisda para may magamit siya sa online class ngayong darating na pasukan. Mabawi pa kaya nila ang ginastos na pera?


1 comment:

  1. Hindi na sila naawa sa bata at sa mga magulang nito.I'm also a Filipino pero yung ganitong uri ng panloloko sa kapwa mo Filipino, hindi na makatarungan.Wala na talagang tatalo sa lahi ng pinoy pagdating sa panlalamang sa kapwa

    ReplyDelete