any

Lalaking Nagsauli ng Napulot niyang Bag na Naglalaman ng P800,000 na Halaga ng Alahas, Binigyan ng Pabuya


Isang lalaki ang nagsauli ng bag na naglalaman ng alahas na nagkakahalaga umano ng P800,000 at dahil dito ay nakatanggap ng pabuya.

Nagpakita ng kagandahang loob si Ener Rojo na empleyado ng kapitolyo ng Camarines Norte matapos nitong isauli ang nakita nyang bag na may lamang alahas na nagkakahalaga ng halos P800,000 at bilang pasasalamat ng may-ari ay binigyang sya ng pabuya na P20,000.


Nakita umano ni Ener ang bag sa isang lotto outlet at hindi ito nagdalawang isip na ipagbigay alam sa mga awtoridad para ma-isauli agad sa may-ari.

Pagkadala umano ni Ener ng bag sa mga awtoridad, nalaman nila na mga alahas pala ang laman nito na nagkakahalaga ng P800,000 at agad naman itong nabalik sa may-ari na isa palang Senior Citizen.


Dahil sa ipinakitang katapatan at kabutihan ni Ener, binigyan ito ng certificate of appreciation ng pulisya at binigyan din umano sya ng senior citizen na may-ari ng bag na naglalaman ng alahas ng P20,000.


Sa panahon ngayon ng pandemya ay marami pa ring taong may mabubuting loob na kajit hirap sa buhay ay hindi nagdadalawang isip na mag-magandang loob sa iba.


No comments