any

Lalaki, Tinaga ang Ina at Kapatid Matapos Iwan ng Asawa



Isang lalaki ang iniwan ng asawa ang na-depressed kaya pinagtataga ang kanyang kapatid at ang kanyang ina. 

Isinugod ang mag-inang Dina at Jay-ar Farinas sa Faustino Dy Sr Memorial Hospital kung saan sila inoobserbahan sa mga natamong mga taga ng itak matapos manlaban at makatakbo palayo.

Ayon sa ulat ng Pulisya, magkasama umano sa iisang bahay ang 67-anyos na ina at dalawang anak nito na 32 at 42 anyos ng biglang na lang umanong naghuramintado ang nakakatandang anak at tinaga nito ang kanyang kapatid at sinunod naman nitong tagain ang kanyang ina habang paakyat ito sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Matapos ang pangyayari ay agad tumakas ang suspek at agad dinala sa pagamutan ang mag-ina.

Ayon kay Lt. Col. Virgilio Con Abillera, hepe ng Ilagan City Police Station, nadakip naman sa isang follow-up operation ng kanyang mga tauhan ang suspek na si Manuel Farinas, 45-anyos.

Mahaharap ang suspek sa kasong double attempted homiside, na nakararanas ngayon ng depresyon matapos iwan ng asawa at ng kanyang anak.

Sa pagsisiyasat, simula nang abandonahin ng misis, hindi na umano makatulog at animo’y may bumubulong na diyablo sa suspek para isagawa ang karumal-dumal na krimen.

No comments