any

Lalaki, Pasan ang Anak na Isang Taong Gulang Habang naglalako ng Taho


Isang lalaki na taho vendor ang bitbit sa kanyang likuran ang kanyang anak habang naglalako ng taho.

Ang nasabing lalaki ay si Richard Paclibare na 30 taong gulang na taga Bagong Buwan Aran Darangan Extension Binangonan, Rizal. Kasama nya umano ang kanyang anak na isang taong gulang pa lamang sa kanyang paglalako ng taho.


Ayon sa nagpost na si Jam Perry Branch, bumilib at nahabag sya kay Richard dahil habang nagbebenta umano ito ng taho ay kasama nya ang kanyang anak na isang taong gulang pa lamang at bitbit nya ito sa kanyang likuran.

Ayon pa kay Jam, single parent umano si Richard kaya wala mapagiiwanan ng kanyang anak kaya isinama nya na lang ito sa paglalako nya ng taho.



Nais tulungan ni Jam si Richard ngunit maliit lamang ang kanyang maiitulong kaya humihingi sya ng tulong sa ibang taong may mabubuting kalooban para matulungan ang mag-ama.

Narito ang kabuuang post ni Jam Perry Branch,

#raffytulfoinaction

Magandang Araw po, Sya po si kuya Richard Paclibare Vendor ng taho 30yrs old at nakatira po sa Bagong Buwan Aran Darangan Extension Binangonan rizal.

Madalas kopo makita si kuya na naglalako ng taho at madalas din po ako bumili sa kanya at this time po Napadaan po sya sa bahay at binilan kopo sya ng tinda nya, bumilib at nahabag po ako sa kanya dahil habang nagbebenta sya kasama nya ang anak nya na Isang taong gulang palang po. Single parent daw po sya kaya kasama nya ang anak nya sa pagbebenta ng taho. Gusto kopong tulungan si kuya pero short din po ako sa pera para matulungan sya, eto po ang naisip kong paraan para makatulong kay kuya, sana po tulungan nyo ako na maiparating itong post ko kay sir #raffytulfoinaction para matulungan si kuya. Maraming salamat po sa tutulong para maiparating ito kay idol raffy.


No comments