any

Kapatid ni Super Tekla, Pinasinungalingan ang lahat ng Akusasyon ni Michelle Laban sa Komedyante




Nagbigay ng ri ng pahayag ang kapatid ni Tekla na mas kilala nya ang kanyang kapatid na mabait at mapagbigay

Nagsalita na rin ang kapatid ni Super Tekla na si Alex Librada sa gitna ng kinahaharap nitong isyu ngayon.

Sa Facebook post ni Alex nitong Oktubre 23 ipinakita niya ang pagsuporta sa kapatid na komedyante sa kabila ng kontrobersiyang kinahaharap nito ngayon.Ayon sa kanya, mula pagkabata ay nakasama at kilala na raw niya ang kanyqang kapatid na likas na may mabuting puso noon pa man.
 




Pinasinungalingan din niya ang mga akusasyon ni Michelle Lhor Bana-ag laban kay Tekla.

Narito ang kabuuang pahayag ng kapatid ni Super Tekla na si Alex Librada,

"Kung mayroon mang tao na mas nakakakilala kay Super Tekla o Romeo Librada, walang iba kundi ako,"


"Ako simula pagkabata hanggang ngayon magkasama kami, ako ang nakakaalam kung anong ugali mayroon siya!"

"Masakit sa kalooban na ang kapatid ko na mabait at mapagbigay ay masasangkot sa isang kasinungalingan na paratang,"


"Tol, tibayan mo lang loob mo lalaban tayo. Wala sa dugo ng mga Librada ang inaapakan. Tandaan mo yan tol,"

No comments