Isang matulunging Kapitan ang namimigay ng Upo sa lahat ng Dumadaan
Sa panahon ng matinding pagsubok ay nangingibabaw ang kabaitan at pagiging matulungin sa kapwa, kagaya na lamang ng isang butihing opisyal ng isang barangay sa Imus.
Isang kapitan sa Imus, Cavite ang namataang namimigay ng mga gulay na upo sa mga dumaraang motorista sa kalsada. Maaaring inakala ng iba na nagbebenta lang ito ng gulay dahil pinapara pa ng kapitan ang bawat dumaraan para maabutan ng upo, ngunit ipinamamahagi lang ito ng libre.
Tunay ngang kahanga-hanga ang mga katulad ni Kapitan Gary na talaga nasa puso na ang pagtulong at pagbibigay ng kanyang serbisyo sa publiko at sa mga ganitong hindi magandang pangyayari sa ating mga buhay ay kapansin-pansin lalo ang kabaitan ng mga taong katulad niya.
Saludo naman ang lahat ng nakakita at nakarinig ng tungkol sa kabutihan ng kapitan at marami ang humihiling na nawa'y ang lahat ng mas may kakayahan sa buhay ay mamahagi rin sa mga higit na nangangailangan.
No comments