any

Ina, Humihingi ng Tulong para Makita ang Anak na Dalawang Araw ng Nawawala




Isang Ina ang hinahanap ang kanyang nawawalang anak ng iniwan nya lang daw umano sa tapat ng Jollibee sa Molino.

Ayon kay Prince Alonsabe, nakasabay nya ang isang babae na may na may kargang bata, ayon dito ay nawawala daw ang kanyang anak at dala pa nito ang litrato ng kanyang anak na lalaki.


Ayon sa babae ay dalawang araw ng nawawala ang kanyang anak na si Justin Giowen Lisay Barro na iniwan nya lang sa tapat ng Molino Jollibee.

"Duon po kuya sa harap ng Jollibee mismo, sinabihan ko sya na wag umalis at sumama kung kani kanino. Wala na kasi tatay nya bata palang sya, gusto ko syang mahanap kasi wala nanga syang tatay at kami nalang pamilya nya."-saad ng Ina na nawawalan ng anak.

Ayon pa sa babae, huling nakausap daw ng kanyang anak ay matangkad na lalaki at maputi.

Narito ang kabuuang post ni Prince Alonsabe sa kanyang FB account,

"KUYA NAKITA MO BA ANAK KO?"


"Kitang kita sa mukha ni Nanay yung lungkot na mawalan ng isang anak, nakita ko sya sa harap ng Molino Jollibee at kitang kita ko sa mga mukha ni nanay na nag aalala sya at nagmamadali gusto ko syang lapitan and sakto iisa kaming Jeep na nasakyan (PALIPARAN) Papunta syang Baranggay Molino 3 at papunta akong Sm Molino, Long story short nag kwento saken si Nanay about sa anak nyang nawawala.

Nanay: Kuya Nakita mo ba tong anak ko?

Ako: Ay hindi po e, aken na po picturan ko po

Nanay: 2 araw na kasi nawawala yang anak ko.

Ako: Saan po sya nawala?

Nanay: Duon po kuya sa harap ng Jollibee mismo, sinabihan ko sya na wag umalis at sumama kung kani kanino. Wala na kasi tatay nya bata palang sya, gusto ko syang mahanap kasi wala nanga syang tatay at kami nalang pamilya nya. (Nakita ko sa mukha ni nanay yung Pagkalungkot at pagmamahal ng isang Ina)


Nay simula nung bumaba ka sa Jeep halos mag ka taranta kana, susubra kapa dapat sa babaan mo kung diko sinabi na nandito kana sa bababaan mo. Ramdam ko at ng mga kapasahero naten yung pag aalala mo sa anak mo. Hayaan mo nay ket di man kita matulungan financially I know natulungan naman kita sa way na alam ko. Pag baba mo ng Jeep nay pinagdasal kita na Mahanap mo na yung anak mo. Nay may mga mabubuting puso pa dito sa mundong ito kaya wag kang mawalan ng pag asa humingi ng tulong para mahanap mo yung anak mo. May Godbless you Nay, more power to you po In Gods Grace 😊💖

P.S Huling nakausap daw ng bata ay isang Matangkad na lalake at maputi daw ito pangatlong araw na daw ngayon nawawala yung bata, kung sino man nakakakita sa bata please tumawag kayo sa Contact no. Ng nasa picture. Kahit pag share lang mga Boss Madam malaking tulong nayan para makita yung bata 😊 GODBLESS YOU ALL 💖

NAY PRAY LANG! ☝️🙏😊"

No comments