any

“Hindi totoo yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako"- Pahayag ni Super Tekla Tungkol sa Akusasyon ng kanyang Live-in Partner




Rumesbak si Super Tekla sa mga akusasyon sa kanya ng kalive-in nya na ayon kay Tekla ay nasa tamang katinuan pa sya.

“HINDI ko magagawa ‘yan, utang na loob may anak akong babae.”

Ito ang mariing pagtanggi ng Kapuso TV host-comedian na si Super Tekla sa mga akusasyon ng kinakasama niyang si Michelle Lhor Bana-ag.



Ayon sa komedyante, hindi niya binastos, inabuso at pinabayaan ang kanyang live-in partner tulad ng inireklamo nito sa programa ni Raffy Tulfo.

Sabi pa ni Tekla, sana raw ay pinag-usapan muna nila ang kanilang mga problema bago ito isinapubliko dahil meron silang anak na kailangang protektahan.

“Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay, usapin natin Michelle yan, usapin ng pamilya yan. Isang napakasensitibong usapin yan Michelle,” bahagi ng pahayag ni Tekla sa panayam ng GMA.

Patuloy pa niyang mensahe kay Michelle, “Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maaapektuhan.”

“Hindi totoo yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa ’yan Michelle. Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae. Mahirap lang kami Michelle, sa bukid. Alam mo ang background ng family ko,” lahad pa ng Kapuso comedian.

Bwelta pa niya sa nanay ng bunsong anak, “Parte ng pagsasama natin yan Michelle, na ipinagkakait mo sa akin. Ginagawa mo akong tanga at timawa diyan, ’yun ang totoo, pero nag-a-adjust ako kasi nanay ka ng anak ko, eh.”

Mariin din niyang itinanggi ang akusasyon ni Michelle na ginugutom niya ang mga ito, “Hindi ko kayo pinapagutuman, alam mo yan. Alam n’yo yan Shabi, alam n’yo ’yan Enrico, lahat naglaan pa ako ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil pandemic.”

Hinding-hindi rin daw niya magagawang pabayaan ang anal nilang si Baby Angelo na ilang beses sumailalim sa operasyon dahil sa anorectal malformation.

“Siya ang hindi pumupunta sa ospital. Ako, kani-kanino ako lumapit ng tulong para maligtas yang batang diyan dahil hindi mo inalagaan iyan sa sinapupunan mo. Alam mo ang kuwento niyan, Michelle,” diin pa niya.

Inamin naman ni Tekla na hanggang ngayon ay shocked siya sa ginawa ni Michelle, “Di pa nagsi-sink in sa utak ko na gagawin ‘yun sa akin. Unang-una, wala akong kaalam-alam, pinlano nilang lahat, kung titingnan mo yung video, wala akong kaalam-alam.

“Michelle, karapatan mo yun, karapatan mo yun, nu’ng una pa lang binlock n’yo na ako sa Facebook, wala akong idea nagkalabuan tayo. Gusto mong makipaghiwalay sa akin. Hindi ko pinagsisiksikan yung sarili ko sa inyo Michelle.


“Alam mo yan sa sarili mo. Alam mo yan, Michelle. Six years. Magsi-six years, anim ko kayong inaruga. Six years, wasted lahat,” sabi pa ni Tekla.

Mariin ding sinabi ng komedyante na hindi na siya gumagamit ng illegal drugs at nagsabing handa siyang magpa-drug test anytime


No comments