any

Guro sa Surigao del Sur, Umaakyat ng Bundok at Lumalangoy sa Ilog para lang Maihatid ang mga Module sa kanyang mga Estudyante



Isang Guro ang gagawin lahat mahatid lang ang module sa kanyang mga estudyante tulad ng pag-akyat sa bundok at paglangoy sa ilog.

Si Teacher Moises ay isang guro sa Tandag City, Surigao del Sur na buwis-buhay ang ginagawa para lang magampanan ang kanyang tungkulin na bigyan ng module ang kanyang mga estudyante sa mga liblib na lugar.


Bago maihatid ni Teacher Moises ang mga module ay kinakailangan nyang umakyat ng bundok at lumangoy sa ilog para lang mapuntahan ang ilan nyang estudyante.

Ayon sa guro ay iilan lang ang bangka sa lugar kaya pahirapan umano ang pagtawid sa kabilang pampang kaya ang ginawa nito ay nilangoy nya ang ilog maihatid lang ang module ng kanyang estudyante.



Nakuhanan din umano ng larawan ang Gurong si Moises na nakakapit sa nakatumbang puno para lang abutin ang module na nahulog umano sa sapa.

Ang ginagawang pagsasakripisyo ni Teacher Moises ay sa hangarin nya na hindi mapag-iwanan ang kanyang mga estudyanteng mga kapos palad na sa liblib na lugar nakatira pero mataas ang mga pangarap.

No comments