any

Donita Nose, Tinawag na "Pambansang Beshy" ng mga Netizens



Tinawag umano ng mga Netizens na "Pambansang Beshy" si Donita Nose dahil sa todong suporta nya sa kaibigan nyang si Super Tekla na dumadaan sa pagsubok ngayon.

Nakapagbigay inspirasyon sa maraming tao ang malapit na kaibigan ni Super Tekla na si Donita Nose sa gitna ng kontrobersya ng dating partner ni Tekla na si Michelle Bana-ag.



Ipinagtanggol ni Donita ang reputasyon ni Tekla, binigyan siya ng mga payo, nilinis ang kanyang condominium unit, tinulungan siyang mamili ng mga bagong gamit, at kinalinga siya sa kalagitnaan ng kanyang pinagdaraanang pagsubok. Ito ang dahilan kung bakit ang komedyante ay tinawag ng maraming mga netizen bilang bagong "Pambansang Beshy"
.



Sa Facebook post ni Donita, sinabi niya na na-appreciate niya ang pagtawag sa kanya na "Pambansang Beshy"



"Nakakatuwa ang sabihan ka ng PAMBANSANG BESHY. ❤😍🙏"

1 comment:

  1. True bihira lang may ganyan tao , hindi kadugo eh sa panahon ngayon kamag anak mo na nga pero kaya ka pang siraan at mas maganda.pa trato sa ibang tao.

    ReplyDelete