any

Donita Nose at Boobay, Nagoyo din umano ni Michelle Lhor



Naglabas na rin ng sama ng loob ang komedyanteng si Boobay at si Donita Nose kay Michelle dahil pati umano sila ay nagoyo na nito matapos humiram ng pera gamit ang pangalan ni Super Tekla.

Hindi na nakapagpigil ang manager ng isang sikat na comedy bar at nagpahayag na rin siya ng sama ng loob sa kinakasama ni Super Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag.


Sa isang Facebook post ay inilahad ng dating manager ng Klownz na si Marlon Limpin ang kanyang karanasan kay Michelle na diumano’y ilang beses nagpanggap bilang si Super Tekla upang makakuha ng pera.

Ayon sa kanya ay nahiraman siya ng 20,000 pesos ni Michelle dahil akala niya ay si Super Tekla ang kausap niya sa telepono.


“Gagamitin niya phone ni Tekla habang tulog at text ako na nanghihiram ng 20k akala ko si Tekla sasabihin mo over ang gamit ng ATM yun pala olaw lang Michelle ang kausap ko,” saad ni Limpin.


Inakusahan din nito si Michelle na ginagamit ang perang nakuha niya sa kanyang luho at libangan.



Kahit daw ang mga sikat na komedyante katulad ni Boobay at Donita Nose ay hindi rin nakaligtas sa diskarteng ginagawa ni Michelle.

“Ilan na ba kami niloko mo, ultimo si Boobay at Donita Nose at manager ni Tekla ginawa mo na rin yan gamit phone ni Tekla,”
 ani Limpin.


Sinabi pa nito na ginamit na rin ni Michelle ang pangalan ni Tekla upang makapanloko ng mga ibang tao.

Ikinuwento ni Limpin na humihingi diumano ng down payment si Michelle sa mga gustong i-hire si Tekla sa kanilang mga shows.

“Ito pa nag book ka ng show sa inquiries sa phone ni Tekla at kukunan mo lang ng down. Ang kawawa si Tekla sa kahihiyan at babalik niya mga pera na ginalaw mo kawawa Tekla, paano ka hindi tataguan ng pera ni Tekla,” sabi pa ni Limpin.


Umabot ng 10,000 shares at libo libong reactions sa social media ang rebelasyon ni Limpin.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Boobay, Donita Nose at Michelle upang kompirmahin ang sinasabi ni Limpin.

Matatandaan na sumikat si Michelle matapos niyang isumbong si Tekla sa Raffy Tulfo in Action.

No comments