any

DILG, Patunay lang ang 91% Approval Rating ni Pangulong Duterte na mulat na ang Taumbayan sa mga Kumakalat na Fake News Laban sa Administrasyong Duterte


Nakakuha ng 91% approval rating si Pangulong Rodrigo Duterte na ayon sa DILG, patunay lang umano ito na mulat na ang taumbayan sa pagsusuri sa mga kumakalat na fake news laban sa administrasyong Duterte.

Inilabas ng Pulse Asia Surey ang pinakahuli nilang survey at pinatunayan nito na kumpiyansa ang taumbayan sa direksyon na tinatahak ng administrasyong Duterte matapos nitong makakuha ng 91% approval rating.




Kasama na dito ang paghawak ni Pangulong Duterte sa hamon ng pandemya at sa muling pagpapasigla umano sa ekonomiya ng bansa.

Ito ang naging pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.



Ayon kay Eduardo Año ay ipinapakita lang umano ng survey na ito na mulat na ang publiko sa mga kumakalat na fake news at disinformation campaign ng ilang grupo laban sa kasalukuyang administrasyon.



Ayon pa kay Secretary Eduardo Año, hindi kayang burahin ng anumang black propaganda ang mga katotohanan na nakatulong umano ang government response at mitigation programs ng gobyerno para sa pag-flatten ng curve ng C0VID-19.


Umaasa si Año na dapat na umanong itigil ng mga kritiko ang pambabatikos nila at makipagtulungan na lang sa gobyerno na lutasin ang lahat ng problema.

No comments