any

DENR, Nanindigan na Ipupursige ang Manila Bay white Sand Project


Ipupursige umano ng DENR ang paglalagay ng White Sand o Dolomite sand sa Manila Bay Beach.

Nanindigan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipursige ang ‘white sand’ beach project sa Manila Bay.

Sa pagdinig ng Senado sa ₱25.55 billion proposed budget ng ahensya para sa 2021, sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na patuloy ang pagbuhos ng dinurog na dolomite sa 500 metrong haba ng Manila Bay.


Ang white sand beach project ay bahagi ng clean-up at rehabilitation efforts sa Manila Bay.

Pagtitiyak ni Cimatu na hindi ito magdudulot ng panganib sa kalusugan at sa kalikasan.


“They asked us if it is hazardous, I say and we say: No, it is not hazardous,”- 
sabi ni Cimatu.

Sinabi naman ni Environment Undersecretary Jonas Leones na ang dolomite ay nabubuo sa isang marine environment, at hindi ito nakakasira sa ecosystem.

Aniya, ginagamit na ito sa iba pang bahagi ng mundo, bukod pa sa mga malalaking resorts sa Pilipinas.

No comments