any

Binata, Nagbisikleta Mula Cavite Hanggang Pangasinan para Makita ang Kasintahan




Isang binata ang nag-bisikleta mula Cavite hanggang Pangasinan para lang makita ang kanyang kasintahan.

Sinimulan ni John Paul ‘JP’ Gatbonton ang kaniyang paglalakbay nitong Oktubre 10 mula sa Imus, Cavite upang masabihan ng “i love you” sa personal ang kaniyang nobyang si Donna Ocomen.

Nagkakilala umano ang dalawa sa isang Facebook group. Nagtatrabaho sa Cavite si JP samantalang estudyante ng kursong Accountancy naman si Donna.

“The Life of an Introvert ang name nung Facebook group. Nagpost ako dun noong January 22, nag-comment naman siya, and in-add ko siya sa FB,” - saad ni JP.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay nahulog ang loob nila sa isa’t-isa at niligawan ni JP si Donna nitong Pebrero.

Na plano na umano nilang dalawa na magkita sa personal ngunit dahil sa biglaang pagsasailalim sa lockdown ng buong bansa nitong Marso ay naudlot ang kanilang plano.

Bagaman hindi natuloy ang unang pagkikita, hindi nawalan ng pag-asa si JP at iniaayos ang mga nararapat na dokumento tulad ng barangay and health certificates, at travel authority para maisagawa ang planong pagpunta sa lugar ni Donna.

Nitong Oktubre nga ay nagbisikleta siya mula Imus hanggang Nueva Ecija, sa tahanan ng kaniyang mga magulang, upang magpalipas muna ng gabi roon at pagkatapos ay nagpatuloy na sa Pangasinan.

Nawala umano ang kaniyang pagod ng makita na sa wakas ang kaniyang nobya.

Dito na rin niya natanong ng pormal kung maaari na silang maging legal na magkasintahan.

“Legal na kami,” saad ni JP. “Walang distansya sa love at kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo lahat para sa kanya at maging tapat sa isa’t-isa”- dagdag pa niya.

No comments