any

Batang Namamalimos na hindi pa Kumakain, Nilibre ng Isang Lalaki ng Pagkain




Isang batang namamalimos ang binigyan ng lalaki ng pagkain para dito at sa mga kapatid nito.

Ayon kay Jj Villareal, habang bumibili sya ng pagkain sa Jollibee ay may batang lumapit sa kanya na namamalimos at di pa daw ito kumakain at humingi ito ng pagkain.

Sinama nya ang batang si Jamaica sa loob ng Jollibee para ibili ng pagkain at humirit ang bata na pwede umanong dagdagan para sa kanyang kapatid na kaarawan ngayon at para din sa mga magulang nya.



Pagka-order nila ay may isa pang babae ang nakarinig sa pinag-uusapan nila, kaya naman nagbigay din ito sa bata.

Ayon pa kay Villareal ay humiling pa ng tsinelas si Jamaica ngunit pera na lang ang ibinigay nya para ito na lang ang bumili.

Narito ang kabuuang Post ni Jj Villareal sa kanyang FB account,

Knina inutusan ako ni uncle bilhan ng jollibee mga bata para tanghalian.. kasi bday ni uncle, pumunta ako sa jollibee tungko..


Nung nkapila ako sa labas my nmamalimos n bata sya si jamaica taga pangarap dw sya..nghihingi sya ng pera dun sa isang babae..tapos lumapit sya sakin sabi nya kuya hindi pa ako kumakain pwede mo ba ako bilhan ng 1pc chicken kanin at coke?? Sabi ko cge lilibre kita..tapos nkatingin pdin sya dun sa menu ng jollibee sabi nya kuya kaya mo kmi bilhan nung family size?? Sabi ko ilan b kayo ??pito dw sila ksama nanay at tatay nya bday dw ng kapatid nya..sabi ko diko kya bilhin yon kasi wala n ako pera..

Sabi ko lilibre nlng kita dagdagan nlng ntn ng fries para sa mga kapatid mo..sabi nya cge po yun nlng..at yung isang babae nagsabi din n cge bibilhan din kitang isa pa..edi ntuwa si jamaica habang naghihintay ako ng order..

Sumisilip sya sa pintuan habang hinihintay ako..at nung paglabas ko sabi ko oh eto na yung libre ko sayo ha..sabi nya salamat po..at hindi pa don ntapos ang kahilingan nya..sabi nya kuya pwede mo ako bilhan tsinelas?? Parang anak ko kung mag request..sabi ko sige bibigyan nlng kita pambili ng tsinelas mo..sabay sabi ko picture tayo..at tinanggal nya facemask nya sabi nya kuya ano pangalan mo sa fb add kita..haha ntawa ako my facebook dw sya at nakiki online lng sa ibang CP..at nung paalis n ako nagbbye n ako saknya..at hinintay nya payung isang nangako sakanya na ililibre din sya..LORD INGATAN NYO PO ANG MGA NASA LANSANGAN N NAMAMALIMOS BATA MAN O MATANDA..DI AKO MAYAMAN PERO PAG MERON AKO HANDA AKO MAGBIGAY KAHIT KAUNTI..✌️😁💗💗💗💗💗💗 KEEPSAFE SA LAHAT..



No comments