any

Babaeng Nag-Shopping Gamit ang Ninakaw na Credit Cards, Umabot ng P71,000 ang Nagastos



Isang babae umano ang nag-shopping gamit ang ninakaw na credit card matapos itong gamitin at umabot sa malaking halaga ang nakuha.

Umabot umano sa mahigit P71,000 ang halagang na pang-shopping ng suspek na babae sa credit card na nanakaw umano nito sa may-ari sa Congressional Avenue, Quezon City nitong sabado.


Lima umanong Credit cards ang nakuha nito sa biktima ng bandang 3 p.m. at base sa record ay banadang 6 p.m. unang ginamit ng suspek ang credit card at matagumpay nya itong nagamit at nakakuha ng halagang P25,000.

Matapos lamang ang ilang minuto ay kumuha naman ang suspek ng mikropono na nagkakahalaga ng P14,200 at ilang saglit lang ay kumuha naman ng mamahaling damit na nagkakahalaga ng P8,865.


Kita umano sa CCTV ang babaeng suspek na pirma lang ng pirma tuwing ito ay may bibiling gamit.

Ayon sa reklamo ng asawa umano ng biktima ay tila hindi man lang tiningnan ng mga kahera ang pirma ng suspek dahil malalaman dito na magkaiba ang pirma ng may-ari ng credit card at pirma ng magnanakaw.

Nakabili pa ang suspek ng 7:03 p.m. ng plates ng dumbbell na nagkakahalaga umano ng P6,600 gamit pa rin umano ang credit card na nakaw at matapos nito ay nakapag-grocery ito na umabot pa ng P16,586.


Ang kabuuang nagastos ng suspek sa ninakaw nitong credit cards ay umabot ng P71,796.

"Si misis, andaming proseso kaniyang pagdadaanan tapos marami ka pang isasagot bago ma-process. Ipa-process pa lang, hindi pa talaga maba-block,"- saad ng asawa ng biktima.

No comments