any

Apat na Magpi-Pinsan ang Tinamaan ng Kidlat sa La Union, Tatlo sa Kanila ang Pumanaw


Apat na magpipinsan ang tinamaan ng kidlat at ang 3 sa kanila ay pumanaw at sugatan naman ang isa sa kanila sa dalampasigan sa La Union.

Nauwi umano sa trahedya ang pamamasyal ng apat  na magpipinsan sa isang dalampasigan sa San Fernando City, La Union ng tamaan umano sila ng kidlat.


Napag-alaman na namamasyal lang sa tabing-dagat ang magpi-pinsan na sina Eunizer Apayo, Tristan Apayo, Rhian de Guzman at na si Patrick de Guzman nang biglang sumama ang panahon at biglang umuulan at tinamaan sila ng kidlat.

Matapos ang pangyayari ay may nakakita agad sa magpipinsan kaya agad silang tinulungan nito para madala agad sa ospital.


"Kami mismo nag-video at tumulong magbuhat
"- saad ng nakakita at tumulong.

Pagka-sugod umano sa ospital ng mga biktima ay nasawi rin sina Eunizer, Tristan at Rhian, at nagpapagaling naman si Patrick dahil sa kanyang natamong mga sugat.


May panawagan naman ang opisyal ng barangay ng pinangyarihan ng insidente na manatili na lamang umano sa kanilang mga bahay ang mga tao lalo na kapag masama ang panahon at may pandemya pa na kumakalat.

No comments