any

Anak na Babae ni Super Tekla, Pinagtanggol ang Kanyang Ama



Pinagtanggol umano ni Theora Airah ang kanyang ama na si Super Tekla tungkol sa mga akusasyon kinakaharap nito.

Nagbabahagi ng isang post sa social media ang anak na babae ni Tekla na si Theora Airah na nagtatanggol sa kanyang ama sa kontrobersyang kinasasangkutan nito.

Ibinahagi ng anak na babae ng Super Tekla sa kanyang Facebook account ang isang komento ng isang netizen tungkol sa mabigat na akusasyon na kinakaharap ng kanyang ama.


Noong Martes, nagreklamo si Michelle sa programa sa YouTube na "Raffy Tulfo in Action" kung saan inakusahan niya si Tekla ng pang-aabuso.

Ayon kay Michelle, pinipilit siya ng komedyante na makipagtalik kahit sa mga araw na siya ay may sakit.



At kapag siya ay tumanggi, hindi umano siya at kanyang anak binibigyan ng pera para ipambili ng pagkain.

Ipinagtanggol naman si Tekla ng kanyang kaibigan at manager mula sa lahat ng mga paratang. 


Maging si Theora Airah Libraryada, ang anak na babae ni Tekla sa una niyang live in partner, ay ipinagtanggol ang kanyang ama mula sa mga paratang na ibinato laban sa kanya.

Ibinahagi niya ang isang komento ng isang netizen na nagsabing mahalagang malaman ang panig ni Tekla sa kuwento dahil maaaring ine-exaggerate lamang ng ni Michelle ang mga bagay bagay.


Nabanggit din sa mahabang komento na ang isyu at problemang pamilya ay hindi dapat ipaalam sa iba at ibulgar sa labas ng pamilya.

Sinulat ni Theora ang mga salitang, "Nabasa ko lang po" bilang kanyang reaksyon sa komentong nabasa niya sa social media.

No comments