“Ako nga, walang isyu, eh. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to.”- Angel Locsin sa Kanyang mga Kritiko
Nagsalita na si Angel Locsin sa mga kritikong bumabatikos sa pangangatawan nya ngayon.
Matatandaan na naagaw ni Angel ang atensyon ng mga netizen dahil sa laki ng pinagbago ng kanyang katawan.
Kumalat kasi ang mga litrato ni Locsin na bumisita kamakailan lang sa Our Lady of Grace Church sa Caloocan.
Marami naman ang humanga parin sa kanya dahil tila ay confident siya kahit na malaki ang nadagdag sa kanyang timbang at hindi parin nagbabago ang kanyang ugali na minahal ng karamihan.
Ayon kay Locsin ay ayaw niya ng patulan ang mga tao na bumabatikos sa kanyang timbang dahil wala naman siyang problema dito.
“Ako nga, walang isyu, eh. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to.”
“Eh, ikaw, okay ka ba?”
Ayon kay Locsin ay nakaapekto ang kanyang kondisyon sa pagtaas ng kanyang timbang dahil narin sa mga iniinom niyang gamot.
Hindi na rin siya maaring gumalaw galaw katulad ng ginagawa niya dati kaya’t nagdesisyon siya na umatras noon sa pagbabalik niya bilang Darna.
No comments