69-Anyos na Nanay, Nangangalakal para sa Anak na may Malubhang Karamdaman
Ayon kay Nanay Julieta, nakikituloy lang sila ng kanyang anak na si Regan na 34-anyos sa isang pampasadang jeep dahil wala na silang matutuluyan.
Labis pa ang hirap ni Nanay Julieta dahil may sakit pa ang kanyang anak na si Regan na Tuberculosis at kailangan itong dalhin sa ospital.
Ang tanging pinagkakakitaan lang ni Nanay Julieta ay ang pangangalakal kahit delikado sa matanda ang lumabas dahil may pandemya.
Ito ang kabuuang post,
Dahil walang matutuluyan, nakikitira ang 69-anyos na si Nanay Julieta at ang anak niyang si Regan sa isang jeepney! Labis ang hirap na dinaranas ng mag-ina lalo pa’t may Tuberculosis na iniinda si Regan. Kung sakaling papasada muli ang jeepney, hindi na raw alam ng mag-ina kung saan sila pupunta. Ang buong kuwento, panoorin sa video!
Para sa mga nais tumulong kay Nanay Julieta at Regan, makipag-ugnayan lang kay Apple Magbutay:
CELLPHONE NUMBER & GCASH: 09654094182
No comments