122- Anyos na Lola, Ibinunyag ang Kanyang Sikreto Kung Bakit sya Naka-Abot sa Kanyang Edad
Isang lola ibinunyag ang sikreto kung bakit siya nakaabot sa edad nya na 122
Ang pagkakaroon ng mas mahaba pang buhay ay isa sa mga ninanais nating lahat. Tanging hiling lang natin palagi ay ang magkaroon ng mas mahaba pang buhay upang sa gayon din ay mas makasama pa natin ng mas matagal at makapag-bonding pa tayo sa ating mga mahal sa buhay.
Sa ngayon, hindi pa naitatala ang pangalan nito sa Guiness Book of Records at kasalukuyan pa ring nakatala sa oldest living person sa buong mundo na si Kane Tanaka, 116 taong gulang na mula sa Japan.
Si Lola ay kamakailan lamang na kinilala sa kanilang probinsya at ito din ay nakatanggap ng isang certificate bilang oldest person sa Negros Occidental.
Ayon kay lola Francisca, simple lang ang kanyang sikreto sa mahabang buhay at ito ay ang pagkain ng gulay. Paborito daw ni lola ang "laswa" o sa ibang tawag ay bulanglang o dinengdeng. Dagdag niya, hindi raw siya mahilig sa pagkaing may preservatives. Healthy living ika nga ni lola Francisca at samahan na rin ng prutas at pag-inom ng maraming tubig.
No comments