any

101-Anyos na Lola, Nagtatrabaho pa Dahil Mag-isa lang sya sa Buhay


Isang lola na may edad na 101-anyos ang naghahanapbuhay pa at namumuhay mag-isa dahil wala umano itong asawa at mga anak.

Si Lola Felicidad Cabuena ay 101-anyos na at mag-isang namumuhay dahil ito ay tumandang dalaga at nagtatrabaho pa din sa bukid para may makain.

"Hindi ko gusto 'yung laging nakaupo, walang trabaho. Hindi puwedeng hindi ako magtrabaho."- saad ni Lola Felicidad.


Sinabi din ni Lola Felicidad na walang sinomang lalaki ang nagkagusto sa kaniya noon dahil wala naman siyang ganoong itsura na hinahanap ng mga kalalakihan kaya naman siya ay tumandang dalaga at pinili na lamang mamuhay ng mag isa at tumulong sa kaniyang pamilya.

"Walang nagkagusto sa akin kasi ang pangit-pangit ko. Kaya wala akong asawa. Kapag pangit ka, hindi ka magugustuhan ano."- dagdag pa nito.


Base kay Regin Cabico siya ang naging tagapag alaga ni Lola Felicidad. Nang alagaan niya ito ay nasa 94 taong gulang na ito. Malayong kamag-anak ni Lola Felicidad ang napangasawa ni Regina. Sa kaniya namang sweldo sa pangangalaga sa matanda, ang mga pamangkin naman ni lola ang nagbibigay sa kaniya ng pera.

Ang lumang bahay ni Lola Felicidad ay puno din ng mga litrato ng kaniyang mga mahal sa buhay. Sinabi din ni lola na isa siya sa mga tumulong na maging matagumpay sa buhay ang ilang miyembro sa kanilang pamilya.


"Hindi pwedeng hindi ka tumulong. Kapatid ko 'yun eh saka anak ng kapatid mo, hindi mo tutulungan?"
- saad pa ni Lola Felicidad.

Kahit na si Lola Felicidad ay mag-isang namumuhay sa kaniyang payak na buhay, siya naman ay nagsisilbing isang malaking biyaya para sa kaniyang pamliya dahil sa mga tulong na handa nitong ibigay para sa mga ito.

No comments