Win Gatchalian, Binalaan ang DENR na Maaari silang Kasuhan sa Paglalagay ng White Sand sa Manila Bay
Nagbabala si Senador Win Gatchalian sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maaaring magkaroon ng patong patong na kaso kapag hindi nila napanatili ang inilagay nilang White Sand sa Manila Bay.
Ayon kay Sen. Gatchalian, dapat masigurado ng DENR na hindi aanurin ang nilagay nilang white sand, dahil kung aanurin ito ay pag-aaksaya lang ng pera ng taumbayan ang nasabing proyekto at hindi magtagal ay maubos ito ng malalakas na alon.
“Ang payo ko sa DENR, siguraduhin nila na tatagal ito na matagal na matagal. Dahil kung sandali lang, mawala ‘yan, baka katakot-takot na demanda ang abutin ng DENR dahil sayang ang pera,”- saad ni Sen. Gatchalian.
Kinakabahan din ang ilang eksperto dahil maaari ngang tangayin ito ng malakas na alon dulot ng bagyo o High tide.
Ayon naman kay Senador Joel Villanueva ay itinulong nalang sana sa mga apektado ng pandemya ang pondong ginamit sa paglalagay ng white san sa Manila Bay.
“Funds for this project could have been better spent in buying the needs of our students, or providing more assistance to displaced workers and OFW.”- pahayag ni Senador Joel Villanueva.
Source: Facebook
No comments