any

VP Robredo, Nais na gawing face-to-face classes ang mga non-COVID-19 areas

Iminungkahi ni Vice President Leni Robredo ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa maliliit na klase sa mga lugar na walang naitatalang COVID-19 transmission. Ayon kay Robredo, maliit ang ₱4 billion para sa distance learning na inaprubahan sa ilalim ng Bayanihan 2.
Dagdag pa ng Bise Presidente, huwag nang ipilit ang modular sa lahat kung gagastos lang ang mga magulang.
Sa ilalim ng distance learning, ang mga estudyante at mga guro ay mangangailangan ng laptop, internet connection at gagastos sa printed na modules. Aniya, kahit may pandemic, hindi dapat maisakripisyo ang kalidad ng edukasyon dahil lang sa kawalan ng access sa blended learning.

No comments