any

VP Leni, Tinawag na Insensitibo ang Pagpapaganda sa Manila Bay


Ayon kay Vice President Leni Robredo, sa dami ng problema ng bansa ngayon ay wag ng unahin ang mga bagay na para sa kanya ay di naman masyadong importante.

Tinawag na insensitibo ni Vice President Leni Robredo ang proyekto ng Department of Environment and National Resources (DENR) na pagandahin ang Manila Bay sa gitna ng kinahaharap na krisis ng bansa dahil sa C0VID-19 pandemic.




Ito ay kasunod ng sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na makatutulong ang rehabilitasyon ng Manila Bay at paglalagay ng white sand sa mental health ng makakikita nito.



Sinabi ni Robredo na dinami-raming problema ng bansa, hindi dapat ito unahin ng gobyerno.



Mas marami kasi aniyang dapat pagtuunan ng pansin tulad ng pagpapabuti ng healthcare system sa bansa, sapat na suplay ng pagkain at pagtulong sa mga komunidad na naapektuhan ng pandemya.

Source: RMN

No comments