any

VP Leni, Kulang ang Ginagastos ng Pamahalaan para sa C0VID-19 response



Ayon kay Vice President Leni Robredo kulang ang ginagastos ng pamahalaan sa pagtugon sa C0VID-19 pandemic kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bayanihan to Recover As One Act.

Napakaliit kung ikukumpara sa ibang bansa ang pondong nakapaloob sa batas aniya lalo na isa ang pilipinas sa may pinakamalalang sitwasyon sa harap ng pandemya.






Sabi pa ni Robredo, dapat mas gumagastos ang gobyerno para tulungan ang mga naapektuhan ng pandemya pero dapat tiyaking tama ang paggasta.

“Ang point natin Ka Ely, kulang yung ginagastos natin considering na grabe yung pangangailangan. Sana gumastos pa para mas maraming tao yung matulungan at sana gumastos nang tama,”- saad ni Robredo.






Napuna din ni Robredo ang mabagal na aksyon ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Inihalimbawa na lang ni Robredo ang paglulunsad lang kahapon ng contact tracing app at pagha-hire ng karagdagang 50,000 contact tracers na aniya’y noon pa dapat ginawa.

“Syempre parating welcome na gagawin na finally, pero sana sa ibang bagay bilis-bilisan yung paggawa kasi wala tayong luxury ng oras saka panahon,
”- sabi ni Robredo.


 Source: Facebook

No comments