VP Leni, Binatikos ang Plano ng MTRCB na i-regulate ang Netflix
Binatikos ni Vice President Leni Robredo ang plano ng MTRCB na i-regulate ang Netflix.
Sinupalpal ni VP Leni Robredo ang ‘hindi napapanahong’ plano ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na i-regulate ang video streaming platforms na nag-o-operate sa Pilipinas.
Kinuwestiyon umano ni Leni Robredo ang ‘sense of sensitivity’ ng MTRCB sa pag-regulate ng streaming platforms lalo na sa panahon ng pandemya.
Matatandaang sinabi ni MTRCB Chief Legal Officer Jonathan Presquito na kailangang i-regulate ang mga palabas sa Netflix at iba pang kahalintulad nito dahil minamandato ito sa ilalim ng batas.
Source: RMN
No comments