any

Vico Sotto, Nag-Donate ng Dugo para Makasalba ng Ibang Buhay



Nag-donate ng dugo ni Pasig Mayor Vico Sotto, dahil kumonti daw umano ang nagdo-donate ng dugo ngayong may pandemya.

Ayon kay Mayor Vico, napakasakit mawalan ng mahal sa buhay dahil umano sa kakulangan ng dugo sa blood bank.

"Ngayong pandemya, kumonti ang nagbibigay ng dugo. Napaka sakit mawalan ng mahal sa buhay dahil sa kakulangan ng dugo sa blood bank"- saad nya.


Dagdag pa ni Mayor Vico ay tuloy pa rin ang blood-letting ng LGU ngunit takot pa rin ang maraming tao mag-donate ng dugo dahil sa pandemya.

"Regular pa rin naman ang blood-letting drive ng LGU, pero siyempre maraming natatakot o di kaya mag-donate sa ngayon."- dagdag ni Myor Vico.


Ayon pa sa kanya ay dapat pangunahan nila kasama ang ilang kawani ng pamahalaan ang ganitong gawain para mahikayat ang ibang tao na mag-donate din ng dugo.


"Because of this, we are stepping up our blood-letting drives. Dapat mauna tayong mga kawani ng pamahalaan. Kasama ko kanina sina City Administrator Atty. Manzanero, City Health Officer Dr. Panaligan, at PCGH Director Dr. Castro."- ayon kay Mayor Vico.


"Kung malusog po tayo at kaya natin, mag-donate po tayo!"- dagdag pa nito.



Source: Facebook

No comments