any

Tone-toneladang Basura ang Nahakot sa Manila Bay sa Patuloy na Paglilinis dito



Tone-toneladang basura ang kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno ang nahakot na basura sa Manila Bay sa patuloy nitong paglilinis sa dagat.

Sinabi ni Isko Moreno na sa kanilang datos mula July 2019 hanggang kahapon, umaabot na sa 3.5-milyong kilo ng tambak ng basura ang nahakot mula sa Manila Bay.




Nilinaw naman ni Mayor Isko Moreno na hindi lahat ng naturang basura sa Manila Bay ay galing sa kanila lalo na’t wala silang mga fish cages o palaisdaan na maaaring pinagmumulan ng mga nahahakot na sirang kawayan at kahoy sa baybayin ng dagat.




Sa kabila nito, tiniyak ng alkalde na patuloy nilang hahakutin ang mga basurang mapapadpad sa Manila Bay.

 Source: RMN

No comments