any

Ted Failon, Kumpirmado ng Lumipat sa TV5 Matapos ang 30 Taon sa ABS-CBN




Matapos ang 30 taong pagtatrabaho ni Ted Failon sa ABS-CBN ay opisyal na itong umalis dito at lumipat sa TV5.

Naglabas na kahapon ng official na statement ang ABS-CBN tungkol sapag-alis sa kanila ni Ted Failon na batikang Broadcaster.\

Matapos ang huli niyang paglabas sa TV Patrol at sa Failon ngayon noong August 31, ay nagkarron ito ng panahon para mamaalam dahil sa kanyang paglipat sa TV5.




Ang pumalit sa kanya sa kanyang mga ginagawa sa ABS-CBN ay si Julius Babao, ang pagtanggal sa prankisa ng ABS-CBN ang dahilan kung bakit natigil ang operasyon ng ABS-CBN.

Ito ang Pahayag ng ABS-CBN sa pag-alis ni Ted Failon sa kanilang Network


“Bagamat nakalulungkot, iginagalang namin ang kanyang desisyon. Hinahangaan namin ang kanyang husay at pagmamahal sa radio broadcasting, na pinakamabisang paraan ni Ted para mas makapaglingkod ng mabuti sa bayan.

“Nagpapasalamat kami kay Ted sa dedikasyon at paglilingkod niya sa maraming taon bilang isang mamamahayag ng Kapamilya network. Si Ted ay mananatiling isang Kapamilya habambuhay. Hangad namin ang ikabubuti niya sa daang kanyang tatahakin,”
Hindi pa diumano nagkakapirmahan ng contract ayon sa isang source, pero medyo matagal na raw ang negotiations between TV5 and Mr. Failon.



Planado na raw ang programa nito sa Radyo5 at News5 pero hindi pa complete ang details.

Walang social media accounts si Mr. Failon kaya walang statement na nanggagaling sa kanyang kampo.

Nauna na naming naisulat dito na kasama niya sa gagawing programa sa Radyo5 si DJ Chacha na matagal na niyang ka-tandem sa DZMM - Failon Ngayon.

Nung una raw ay radio program lang ang gusto ni Mr. Failon sa lilipatang network. Bitbit niya raw sa paglundag ng network ang maraming staff niya.

Hinihintay ngayon kung lilipat din sa ibang network si Kabayang Noli de Castro, pero ayon daw sa isang kapamilya nito ay wala na itong balak lumundag pa sa ibang channel matapos ang nangyari sa Channel 2.


Pero ayon sa isang reliable source, may ugong na nakikipag-negotiate si Kabayan Noli kay Mr. Deo Macalma, isa sa mga top gun ng DZRH, kung saan nauna nang lumipat sina Anthony Taberna and Gerry Baja. Yup, may chance din daw marinig sa RH ang isa pang batikang brodkaster ng ABS-CBN.

Samantala, bukod kay Ted Failon, inaasahang mapapanood din sa TV5 ang mag-amang Gabby and KC Concepcion ayon naman sa isa pang source.

Yes pagsasamahin daw sila sa isang programa. At ang producer diumano nito, ang bestfriend ni Gabby na si former Congressman Albee Benitez ayon pa sa source.

Isa pang malapit na ring mapanood diumano sa TV5 ay si Luis Manzano kung saan siya ang magiging main host ng ilu-launch na noontime show ng network.

Asahan daw na mas marami pang Kapamilya personalities / stars ang mapapanood sa TV5.

Source: PhilStar

No comments