any

Siyam na Buwang Buntis, Dinakma ang Dibdib ng isang Motorista na Nagtatanong ng Tamang Daan



Isang siyam na buwang buntis na babae ang biglang umanong dinakma sa dibdib ng isang lalaking motorista na magtatanong ng tamang daan sa isang subdivision sa Taguig.

Ayon sa babaeng buntis, naglalakad lang umano sya pauwi matapos bumili ng pandesal ng may lalaking nakamotor ang nagtanong sa kanya ng tamang daan.




“This man approached me, kita sa vid para daw mag tanong kung saan yung address na sinabe nya, syempre kala it delivery guy sya kaya sabi ko ‘kuya di ko alam eh, pero baka doon or doon pero nasa tamang street kayo,’”- saad ng babae.




Matapos magtanong sa kanya ang lalaking motorista ay bigla umanong dinakma nito ang dibdib ng buntis.




“Napakalakas naman ng loob mo kuya para mang GROPE ng buntis?! Gaano ka ba kalibog sa ganong oras? ALASAIS NG UMAGA? Grabe trauma ang inabot ko sayo. Kung may asawa at anak ka man, NAPAKASAHOL MO,”- dagdag pa nito.




Ayon pa sa babae, muntikan pa syang manganak dahil sa takot at galit sa nangyari.

“Tbh, nung nangyare yan pagkauwi ko iyak lang ako ng iyak. Na para bang nandon padin yung kamay nya. It’s not easy. That feeling triggered me and I almost gave birth,”- saad pa nito.

Source: Facebook

No comments