Hindi sang-ayon si Senator Joel Villanueva na ginastusan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ng halos 350 million pesos ang paglalagay ng puting buhangin sa baybayin ng Manila Bay.
Giit ni Villanueva, hindi madadaan sa pagandahan ang pagpo-protekta sa kalikasan, lalo na kung kailangang magsakripisyo ng isang lugar para sa ikagaganda lang ng iba.
Base sa mga report ay sa Cebu umano hinakot ang white sand na dinala sa Manila Bay.
Diin ni Villanueva, sayang ang pondo na inilaan dito, lalo na’t maraming nagugutom at naghihirap ngayong panahon ng pandemya.
Para kay Villanueva, mas mabuti pang ginastos na lang ang pondo para bilhin ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral o palawakin pa ang tulong para sa mga manggagawa at Overseas Filipino Workers na nawalan ng hanapbuhay.
Alam ko tatay nya si Ptr. Eddie Villanueva, pero nag iba yata ang espiritu ng maging Senador..okay lang sana kung positive criticism, kaso blaming yata mensahe nya. Nahawaan na ng sistema sa paligid nya.Ngayon mo lang naisip yan bok nang magka pandemic na. Pero noon, tipong Pariseo ka pa yata nagaabang ng maipipintas sa Executive ng bansa..post reaction is completely useless and nonsense. Sana wala ka malokong Pilipino sa reaction mo, hindi naman kasi nakakabilib, paninisi lang yan para sumikat. Hindi natutulog ang Dios, may gagawin at gagawin syang maganda sa panunungkulan ni PRRD.
ReplyDelete