any

Senator Bong Revilla, Hahabulin ang mga Nagpapakalat ng Fake News Laban sa kanya


Sinabi ni Senator Bong Revilla Jr. na hahabulin niya ang mga basher at mga nagpapakalat ng fake news laban umano sa kanya.

Ayon kay Senator Bong Revilla, kumakalap na ang kanilang kampo ng mga ebidensya at kinausap na umano niya ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation para mahuli ang mga nagpapakalat ng maling balita tungkol sa kanya.




Ayon pa sa Senador ay dapat nang taasan ang magiging parusa sa mga mahuhuli sa cyberbullying at hindi lamang umano ito para sa kanyanng sarili pati na rin sa mga ibang nakakaranas nito.




Noong mag-positibo si Sen. Bong Revilla sa sakit na C0VID-19 noong Agusto ay mayroong nagpakalat ng fake news tungkol sa kanya na nagsasabing pumanaw na umano ang siya.

Sa pahayag pa ng Senador, naghain na umano si Senate President Tito Sotto III ng isang panukala na layong maparusahan ang mga nagpapakalat ng fake news at mga maling impormasyon sa social media.

Source: Facebook

No comments