any

Sen. Nancy Binay, Pinapatigil ang Paglalagay ng White Sand sa Manila Bay


Pinapatigil ni Senator Nancy Binay ang paglalagay ng White Sand sa Manila Bay.

Pinapahinto ni Senator Nancy Binay sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang White Sand Project sa Manila Bay kung talagang iniisip talaga nila ang kapakanan ng kalikasan at ng taumbayan ay ihihinto nila ang paglalagay ng white sand.




Sinabi ito ni Sen. Nancy Binay dahil sa babala ng Department of Health (DOH) na ang nasabing white sand o dolomite dust ay delikado sa kalusugan ng tao dahil maaaring magdulot ng respiratory reactions, eye irritation at discomfort sa gastrointestinal system.




Ayon kay Sen. Nancy Binay, ang paglalagay ng dolomite bilang substitute sa white sand ay hindi dumaan sa tamang proseso, walang environmental clearance, walang public consultation, hindi pinag-aralan at bara-bara ang plano.




Pahayag pa ni Sen. Nancy Binay ay dapat may feasibility studies at science-based ang laman ng plano para sa Manila Bay rehabilitation.



Dahil dito ay nananawagan si Sen. Binay sa DENR na isapubliko ang budget at ang approved environmental impact ng white sand project sa Manila Bay dahil karapatan ng publiko na malaman ang buong detalye ng proyekto.

Dagdag pa nito na mas dapat unahin ang pagsasaayos sa kalidad ng tubig sa Manila Bay bago ang palamuti tulad ng paglalagay ng artificial white sand.

Source: RMN

No comments