any

Sen. Manny Pacquiao, Sinagot na ang Gastos sa 13 TV Channels para sa DepEd



Senador Manny Pacquiao, sinagot na ang gastusin sa 13 TV Channels na gagamitin ng Department of Education (DepEd) para sa darating na pasukan para makasabay ang mga batang walang kakayahan bumili ng gadget.

Ang mga TV Channels ay gagamitin sa distance learning lalo na sa mga lugar na wala o mahina ang internet.




Ayon kay Sen. Pacquiao, inako nya ang gastusin dahil hindi nya umano matiis na mapag-iwanan sa aralin ang mga estudyanteng mahihirap at nasa malalayong lugar na hindi kayang bumili ng mga laptop at gadgets para sa online learning.




Dahil dito ay umaasa si Sen. Pacquiao na matutuloy na ang pagbubukas ng klase sa Oktubre.

Ayon pa kay Sen. Pacquiao, ang pag-aaral kung saan muntik na siyang magkulang ay napakahalaga sa kinabukasan ng mga kabataan.

Source: Facebook

No comments