any

Pulis, Humingi ng Dasal sa Isang Pastora na Napadaan sa Checkpoint


Isang Pulis ang humingi ng dasal sa isang pastora na naharang nila sa isang Checkpoint.

Ayon sa post ng anak ng Pastora na si Ianne Venture, naharang sila sa Marquee exit dahil hindi raw nagpapapasok sa lugar kapag hindi resindente doon.

Nung sinabi ng kanyang Ina na sa Marqueelang sila pupunta at hindi umano ito nagsisinungaling dahil isa itong pastora, agad na pinatabi ng Pulis ang sasakyan nila at humingi ng dasal ang Pulis.



"Sige po Maam patabi nalang po don."

"Sumunod kami... Tapos paglapit niya sabi niya "Pastora papray naman po."

And then we prayed"- saad ni Ianne.

Nagpapasalamat si Ianne sa Pulis na si Sir Cato dahil sa pagmamahal nito sa mga tao ng buong puso.

"Thank you Sir Cato for showing love to the people by serving us wholeheartedly. May your prayers come to pass in Jesus Mighty Name, Amen!"- dagdag pa nito.

Ayon pa kay Ianne ay hindi para sa Pulis ang hiningi nitong dasal.

"PS: Ang hinihingi po niyang prayer ay HINDI PO PARA SA SARILI NIYA"- pahayag ni Ianne.



Source: Facebook

No comments