any

Pondo ng Office of the Vice President sa 2021, Pinadadagdagan



Mga Kongresista, umapela na dagdagan umano ang pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2021.

Personal na humarap si Vice President Leni Robredo sa pagdinig ng 2021 budget sa House Committee on Appropriations.

Ang pondo ng OVP sa susunod na taon ay ₱679.074 million na pinakamaliit na pondo sa 2021 national budget, higit na mababa kumapara sa budget nila ngayong taon na ₱708.01 million.




Inirekomenda ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na dagdagan umano ng 10% ang OVP budget dahil nakikita naman daw umano ang mga hakbang at dedikasyon ni VP Robredo na makatulong sa pamahalaan ngayong may pandemya.

Ang hiling naman ni Baguio Rep. Mark Go, doblehin ang budget ng OVP para marami pang magawa at matulungan ang tanggapan ng Vice President.



Ayon naman kay VP Robredo, kung madadagdagan ang kanilang pondo ay malaking tulong sa kanila para mas marami pa silang komunidad na mapagsilbihan.

Nanawagan din ang mga kongresista sa Makabayan Bloc na doblehin ang pondo ng OVP para sa susunod na taon.

Source: RMN

1 comment:

  1. Ang tigas talaga ng mukha noting babaeng into.ung mga tongresista mga ulol among ruling pinagsasabi nu mga sira ulo nu.

    ReplyDelete