any

PANOORIN! | Dating Partner ni Gladys Guevarra, Tinakbo ang Pera ng Kanyang Negosyo


Dahil sa pagtatalo ay naghiwalay si Gladys Guevarra at ang kanyang dating partner na si Leon, at ang perang kinita ni Gladys sa kanyang negosyo ay tinangay din nito.

Naiyak na lang si Gladys Guevarra habang kinukwento nya sa kanyang live sa facebook ang nangyari sa kanila ng dati nyang partner na si Leon, dahil tinangay nito ang pera na bayad umano sa mga orders ng kanyang business na kakanin.



Ayon kay Gladys ay nagtalo sila ng kanyang dating partner at nagpasya silang maghiwalay na lang, ngunit lahat pala ng payment ng mga orders sa negosyo ni Gladys ay sa dati nyang partner napunta, dahil sinabi nito na mga account nya na lang ang gagamitin tulad ng bank at gcash para daw umano ma-monitor ang mga payment ng kanilang customer.

Ngayon ay di na nya ma-contact ang dati nyang partner kaya inisip ni Gladys na talaga tinangay nito ang pera sa kanyang negosyo.



Source: Facebook

No comments