Palasyo, Pinag-iingat ang Publiko sa mga Taong Desperadong Isabotahe ang Administrasyong Duterte



Nagbigay ng payo ang MalacaƱang sa publiko na mag-ingat sa mga taong nais isabotahe ang Administrasyong Duterte lalo na sa panahon ngayong may pandemya.

Ito ang naging pahayag ng MalacaƱang matapos batikusin ang paglalagay ng dolomite sa Manila Bay na proyekto ng DENR na sinasabi umanong dahilan ng fish ki1l sa naturang lugar.



Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, masyado pa umanong maaga para sabihin na ito ay isang sabotahe.



Ang pagtataka lang ni Harry Roque ay kung paano nagkaroon ng freshwater fist sa saltwater gaya na lamang sa Manila Bay.



Kahit ganunpaman ay nagpapasalamat ang palasyo sa publiko sa patuloy nilang pagsuporta sa administrasyong Duterte sa kabila ng mga binabato ng mga kritiko ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda, maaaring sinabotahe o i1legal fishing ang nangyaring fish ki1l sa Manila Bay.


Ngunit ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang fish ki1l ay dulot ng mababang lebel ng oxygen sa dagat.

Source: RMN

No comments