MMDA, May Babala sa mga Magkakalat ng Basura sa Manila Bay
Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga magkakalat ng mga basura sa Manila Bay Beach.
Dahil sa pagdagsa ng local tourist ang Manila Bay Beach para makita ang white sand, nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na huwag umanong magtapon at magkalat sa naturang lugar.
Sinabi ni MMDA Assistant Secretary Celine Pialago na may mga tauhan silang nag-iikot upang isyuhan ng ticket ang mga mahuhuling magkakalat at magtatapon ng basura sa naturang lugar, at di lang umano sa mayroong white sand kundi sa kahabaan ng Manila Bay.
Hindi man umano sinabi ni Pialago kung anu-ano ang kaparusahan sa mga mahuhuling nagkakalat ng basura, may payo naman ito sa publiko na makiisa na lang sa layunin ng pamahalaan na mapaganda ang Manila Bay.
No comments