any

Matinding Panloloko sa mga Food Delivery Riders, Naganap sa Las Piñas City


Matinding panloloko ang nangyari sa Las Piñas City, matapos umorder ng sandamakmak ang nagngangalang AJ Pande na wala naman unamo sa naturang lugar.

Ayon sa post ni Natalie Dela Cruz, pinick-up daw umano nila sa mga seller ang order ni " AJ Pande" at iba-iba umano ang gamit na contact number ngunut iisa ang address na tinuturo.




"Nakwento sakin ng mga rider na pinick up po nila sa seller 'yung order ni AJ pande. Paiba-iba 'yung contact number na binigay ni AJ pero same address,"
ayon kay Natalie dela Cruz.

Ayon pa kay Natalie ay walang AJ Pande na nakatira doon dahil Senior lang ang lumabas sa naturang address.




"Wala daw pong AJ Pande na nakatira sa [nakalagay na address]. Senior ang lumalabas sa bahay na iyon,"
dagdag ni Natalie.

Sa dami umano ng order ng may pangalang AJ Pande, maraming Riders ang nag-iintay sa wala dahil niloko lang sila ng kanilang customer.

Source: GMA

No comments