any

Matandang Lalaki na Nag-Viral dahil sa kanyang Sirang Bisikleta, Binigyan ng Bagong Bisikleta



Isang matanda ang nag-viral matapos i-post ang larawan nito na nre-repair ang gulong ng kanyang bisikleta sa gilid ng kalsada.

Kahit sira sira na ang gulong ng bisikleta ni Tatay Jhonny Cuevas 52-anyos, ay patuloy pa rin nya itong ginagamit sa paglalako ng kanyang serbisyo, ang pag gawa ng mga sirang payong. 




Ayon kay Roswel Placigo, uploader ng picture. Taga Calvary, Tacloban City si Tatay Jhonny, kasama nya rito ang kanyang asawa. 



Matatandaan na mabilis na kumalat at nag viral ang post at mga larawan ni Tatay Jhonny. Marami rin ang mga good samaritan na nag pa abot ng tulong at bagong bisekleta para sa kanya.


Ito ang kabuuang post sa facebook,



LOOK: Bagamat gula-gulanit na ang gulong ng kanyang bisikleta, ginagamit pa rin ito ng 52-anyos na si tatay Jhonny Cuevas upang maglako ng kanyang serbisyo bilang tagagawa ng mga sirang payong.

Ayon sa uploader na si Roswel Placigo, taga-Calvary Hill, Tacloban City si tatay Jhonny at naninirahan kasama ang kanyang asawa. Mabilis na nag-viral ang post ni Roswel, at meron namang mga good samaritan sa social media na nag-abot ng tulong at bagong bike para kay tatay Jhonny.

Source: Facebook

No comments