Mag-Amang Duterte Tandem sa 2022 Election, Walang Makakatalo - Panelo



Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, wala umanong makakatalo sa Duterte-Duterte tandem sa 2022 election kapag parehas silang tumakbo sa halalan.

Wala umanong pag-asang manalo ang oposisyon laban sa mag-ama na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Davao City Mayor Inday Sara Duterte 'Duterte-Duterte' tandem sa 2022 National Elections.



Ayan umano ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, matapos niyang sabihing nais niyang tumakbo ng Bise Presidente si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang anak naman na si Davao City Mayor Sara Duterte ang tatakbo sa pagka-pangulo sa susunod na halalan.


Tiniyak umano ni Panelo na hindi mag-o-overstay si Pangulong Duterte sa Malacañang at tatapusin nito ang kanyang termino kahit na may kumakalat na isyu tungkol sa kalusugan ng Pangulo.

Ayon pa kay Panelo, walang sinumang makakatalo kapag nag-tandem ang mag-amang Duterte sa 2022 na halalan.


Sabi pa ni Panelo na nangyari na umano ang tandem ng mag-ama sa Davao City na noon ay Bise Alkalde si Pangulong Duterte at Alkalde naman ang kanyang anak na si Inday Sara noong taong 2010 hanggang 2013.


Aniya, parehas ang tatahaking landas ng mag-ama.

No comments