any

Lolo, Naglalako ng taho para sa Asawa at Apat na Apo




Isang Lolo ang matyagang naglalako ng taho para lang magkaroon ng panggastos sa asawa at sa kanyang apat na apo na sa kanya lang umaasa.

Tuloy pa rin sa paglalako ng taho si Lolo Frank kahit alam nya na may kumakalat na pandemya dahil ito lang ang makakatulong sa kanilang gastusin sa pagkain.




Pinapasan ni Lolo Frank ang mahigit sa 25 kilo ng taho para lang kumita ng pera, kahit matanda na ay kailangan nya pa ring magtrabaho dahil sa kanya lang umaasa ang kanyang asawa at apat na apo.




Naiwan kay Lolo Frank ang apat nyang apo matapos mamatay ang ina ng mga ito dahil sa panganganak at iniwan naman sila ng ama nito.




Ito ang kabuuang post,

LOLO, TULOY SA PAGTATAHO SA GITNA NG PANDEMYA

Sa gitna ng pandemya, nililibot ni Lolo Frank ang mga kalsada ng Marikina City pasan-pasan ang mahigit 25 kilong taho. Kahit matanda na, kailangan pa rin niyang magtrabaho para sa kaniyang asawa at apat na apo na naiwan sa pangangalaga nila. Ito ay matapos mamatay ang ina nila dahil sa panganganak. Iniwan din sila ng kanilang ama.


Isa sa mga tinatawag na “vulnerable sector” ngayong may pandemya ang mga senior citizen dahil mas mataas ang posibilidad na mahawa sila ng COVID-19. Ngunit tulad ni Lolo Frank, ang ilan sa kanila ay tuloy lang sa pagkayod sa labas, masuportahan lang ang kanilang pamilya.

Source: GMA

No comments