Lito Atienza, Muling Binanatan ang DENR sa Paglalagay ng White Sand sa Manila Bay “Walang Kwentang Proyekto”
Muling binanatan ni Buhay-partylist Representative Lito Atienza ang ginagawang proyekto ng Department of Environment and National Resources (DENR) ang paglalagay ng White Sand sa Manila Bay.
Ayon sa pahayag ni Lito Atienza, tinawag nya itong pag-aaksaya lang ng pera at walang kwenta ang ginagawang pagpapaganda ng DENR sa Manila Bay.
“A complete waste of public funds on a worthless project,”- saad ni Atienza.
Ayon kay Atienza, isang malakas na bagyo lang at mawawala na ang mga White Sand na nilalagay ng DENR sa Manila Bay.
Sabi pa ni Atienza, naniniwala siya na kahit anong gawin nilang pagpapaganda sa Manila Bay ay hindi umano nito mababago ang maduming tubig ng naturang dagat.
“No amount of pretentious face-lifting can change the fact that Manila Bay’s marine and coastal ecosystems are practically dead – because its waters have been overwhelmed by fecal coliform,”- pahayag ni Atienza.
No comments