any

Julia Barretto, Nagsampa na ng Kaso Laban kay Jay Sonza


Pormal nang nagsampa ng cybercrime complaint ang aktres na si Julia Barretto sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Jay Sonza.

Ito ay matapos ikalat ni Jay Sonza ang tsismis sa Facebook na buntis si Julia, at si Gerald Anderson ang ama ng dinadala nito na wala namang katotohanan.



Ayon kay Julia Barretto, hindi niya umano palalampasin ang naturang tsismis na kinalat ni Jay Sonza dahil marami na rin siyang pinagdaanan.

Ayon pa kay Julia Barretto ay madalas binabastos ang kaniyang pangalan at reputasyon kaya panahon na para panagutin ang nagpakalat ng tsismis na sya ay nagdadalang tao .


Sa ngayon, hiniling ni Julia Barretto sa NBI na imbestigahan ang malisyosong post ni Sonza.

No comments